Sunday, April 2, 2006
Nakikinig ako ngayon sa isang kantang di ko alam ang title. Bahala na si WinAmp*uta* magdecide kung sino ang kanyang isusunod sa listahan. Ako naman, kanina pa umiiyak dito. Puta. Siguro mararamdaman ko na lang yung nararamdaman nila ngayon kung naging sila na ako, after more or less 28 years. Sigurado naman na mag-aalala ang parents sa kanyang anak. Pero ano kaya ang iniisip ng anak kung ganun? In my case, ang nasa isip ko.. Tingin ba nila ganun ako kaTANGA? Kaya nga nauulit pa nila akong napapagalitan kase paulitulit akong lumalayas ng bahay, pero paulitulit din ako nakakauwi ng buhay, walang labis, walang kulang. Hindi na rin ako nagpapaalam kase sigurado namang hindi sila papayag. Kase hindi nila alam kung sino kasama ko. May isang beses noon na sinubukan ko na halos lahat na ng klase ng lambing para lang mapapayag ko silang makalayas ako. Wa epek. Kase sinabi ko lahat ng totoo. Dapat ata matuto ako magsinungaling? Potek. Ayun, lumayas pa rin ako. Anong nangyari? Nakauwi ako ng hatinggabi, pero buhay pa rin, walang labis, walang kulang. Anong sinabi sa akin? "Uwi ba yan ng matinong babae?" BKT BA?! Ang babae, kung matino, kahit anong oras umuwi yan, matino pa rin. Kapag umuwi ba ng midnight ay pokpok o naghahanap ng disgrasya? Tska ang laki ko na po. Kung ngayon, tatangatanga pa ako, tapos hindi pa ako nkakalabas ng bahay, pano pa kaya lalo kung matanda na ako tapus tatangatanga pa rin? Para sa akin mabuti na yung nkakapag-ipon na ako ng experience ngayon, para pagtagal, may alam na ako sa mundo. Ayaw kong lumaking nakakulong sa bahay at walang alam sa buhay. Ayaw ko na rin na palaging umaasa na nandyan lang yung magulang ko. Potek, sinabi na ba sa iyo ng magulang mo, "Pano kung nawala na ako?" *knock of the f-wood* Hindi naman sa inaanticipate ko yun, pero kahit kelan pwede yang mangyari. Habang hindi pa nga nangyayari yun, kelangan alam ko na yung gagawin ko. Mahirap din maging panganay. Puro responsibilidad. Palagi ko lang ito tinatakasan. Sinusubukan ko pang matuto kahit mabagal talaga ako umintindi. It sucks. Pero ganun ba talaga kung mahal ka ng magulang mo? Itatago ka ng itatago sa mundo habang tingin nila na hindi ka pa handa, kahit alam mong handa ka na? Sino pa bang nkakalam kung handa ka na? Sarili mo din eh. Kahit sabihin mo sa magulang mo na kaya mo, hindi sila maniniwala kase tingin nila hindi, kahit talagang kaya mo. Tapus ang sasabihin nila, "Tingin mo ang galing galing mo na?" Ayaw ko nang sumagot kase sasabihin lang ulit nila, "Ngayon sumasagot ka pa sa magulang mo!" Naisip ko tuloy: do obedient children with overprotective parents grow up not knowing what the outside world is like, therefore are weak when in danger? Right now, weak pa rin ako pag alam kong magiging in danger ako kapag may gagawin akong isang bagay. Pero kung hindi ako naexpose dyan sa danger na yan, hindi rin ako matututong mag-ingat. Full battery ang gamit ko para lang sa pag-iingat ng sarili & gamit ko. Kung hindi siguro ako nadukutan nun, hindi ko ginagawa yung pag-iingat na to. PUTA!! After that incident, never na ako nadukutan ng gamit. Final words pa ba? Since nkakauwi ako ng buhay ngayon, it means that I was with GOOD friends. TANGINA ANG HIRAP MAGING BABAE!! (entry written 1:45 am of the same day)
|